Photobucket - Video and Image Hosting

September 23, 2006

'Bobo' din ba ako?

Ako: “Ate pwede ba pong makihugas ng kamay?”

Ale 1: “Sige punta ka banda doon.”

Ale 2: “Maghuhugas ba kamo? Dito ka na lang maghugas.”

Ako: “Sige po.” Sabay punta sa pangalawang ale.

Ale 2: “Sandali lang ha hindi ko kasi matanggal ko ‘tong hose.”

Ako: “Sige po.” Intay ng ilang minuto..

Ale 2: “Kaw nga ang magtanggal. Hindi ko matanggal eh.”

Ako: “Ganun… Sige po.”

Pwesto sa harap ng gripo tapos pinilit kong ikutin yung bakal sa hose. Makaraan ng ilang minuto…

Ako: “Ate wala ba kayong yung pangikot dito. Hindi ko kaya masyadong mahigpit yung pagkaka-kabit.”

Ale 2: “Anong hindi mo kaya?! Kaya mo yan noh!”

Ako: “Hala si ate demanding!” pabulong sinabi sa sarili habang pilit na tinatanggal ang hose.

Ale 2: “Alis nga! Ako na nga!”

Ale 1: “Ano nakapaghugas ka na ng kamay?”

Sasagot pa lang ako kasi ako naman ang tinatanong diba ng biglang…

Ale 2: “Hindi pa. Hindi nya kasi kayang tanggalin ito.” *medyo paggalit pa ang pagkakasabi.

Ale 1: “Ako na nga. Alis!”

Sabay lapit sa gripo at sabay hila ng hose…

Ale 1: “Ayan mag-hugas ka na.”

Ale 2: “Yun lang yon? Ano ba yan ang 'bobo' naming!!! Hahahahaha!”

Ale 1: “Anong ang “bobo” nyo? Ikaw lang!”

Ako: “Salamat po!”

Habang naglalakad pauwi naitanong ko sa sarili ko, ‘bobo’ din ba ako?



11 Comments:

Blogger Iskoo said...

mag gym ka para lumakas ang grip mo ;)

unang tingin akala ko bahay namin yan, ganyan kasi itsura, bare na bare pa lang , hehe

10:42 AM  
Blogger PrincessFiona said...

haha, di ka bobo, hmmm gutom ka lang siguro "hehe"... I added your link in my Buddy_Buddies if you don't mind. :-)

3:43 AM  
Blogger cruise said...

di naman makakabawas ng pogi points kung di mo natanggal yung hose, eh kung sa talgal mahirap tanggalin ant di mo kaya ano pa ba pwede gawin ;)

2:25 PM  
Blogger kathee said...

hahahahahaha:-)
ang dami kong tawa!!!

:-)

8:17 PM  
Blogger jef said...

Hahaha! Baka...naah, ang gandang experience naman yan :-O

5:49 PM  
Anonymous Anonymous said...

Only goes to show that there are things, no matter how elementary and simple they seem, turn out too difficult to solve.

What is a little factual, too, is when we think we can, turns out that we can't. And that the people whom we were not expecting who can do it, actually can do it.

Beauty of screwing, screwed, and screwed-up.

6:20 PM  
Anonymous gbert said...

hahahaha there's no such person na bobo, may iba-ibang talino tayo and it happened you just don't know what to do with that hose, and besides it's just a single instance...

12:13 PM  
Anonymous lino said...

hehe, di naman nahuhusgahan ang isang tao sa isang sitwasyon lang eh...

1:13 PM  
Anonymous aCey said...

hahahahaha. okay lang yan, bro!

9:41 AM  
Anonymous Vince said...

hahaha! kakatuwa ng experience mo, 'dre. touched ako.

2:49 PM  
Blogger joyce said...

natawa ako dun a. hehehe :)

1:41 PM  

Post a Comment

<< Home