Liham ng Magulang sa Isang Anak
Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensyahan. Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag kainan, huwag mo sana akong kagagalitan. Maramdamin ang isang matanda. Nagse-self-pity ako a tuwing sisigawan mo ako.
Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihan ng “binge!” paki-ulit nalang ang sinabi mo o pakisulat nalang. Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga ako.
Kapag mahina na tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong tulungang tumayo - katulad ng pag-aalalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.
Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit at paulit ulit na parang sirang plaka. Basta pakinggan mo nalang ako. Huwag mo sana akong pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan. Natatandaan mo anak noong bata ka pa? kapag gusto mo ng lobo,paulit- ulit mo ‘yong sasabihin, maghapon kang mangungulit hangga’t hindi mo nakukuha ang gusto mo. Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo.
Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy matanda, amoy lupa. Huwag mo sana akong piliting maligo. Mahina na ang katawan ko. Madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan. Natatandaan mo noong bata ka pa? Pinatyagaan kitang habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.
Pagpasensyahan mo sana kung madalas, ako’y masungit, dala na marahil ito
ng katandaan. Pagtanda mo, maiintindihan mo rin.
Kapag may konti kang panahon, magkwentohan naman tayo, kahit sandali
lang. inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap. Alam kong busy ka sa trabaho, subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik na akong makakwentohan ka, kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kwento ko. Natatandaan mo anak, noong bata ka pa? Pinagtyagaan kong pakinggan at
intindihin ang pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong teddy bear.
At kapag dumating ang sandali na ako’y magkakasakit at maratay sa banig ng karamdaman, huwga mo sana akong pagsawaan alagaan. Pagpasensyahan mo
na sana kung ako man ay maihi o madumi sa higaan, pagtyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay. Tutal hindi na naman ako magtatagal.
Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang aking kamay at bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan.
At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha, ibubulong ko sa kanya na pagapalain ka sana … dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama’t ina…
-Written by Rev. Fr. Ariel F. Robles
CWL Spiritual Director
St. Augustine Parish
Baliuag, Bulacan
Pumunta kami sa Bulacan para magbigay ng donasyon at dumalaw na din sa mga matatanda. Ang mga sumunod na mga eksena ay makabagdamdamin. Mahirap pala ngumiti habang ang iyong puso naman ay umiiyak. Ako ay natutuwa na kahit sa konting panahon ay naibahagi ko ang aking oras sa kanila. Hindi ko makakalimutan ang kanilang mga nakangiting mukha. Ang hindi ko lang mapagtanto hanggang ngayon ay paano natiis ng kanilang mga anak na iwanan ang kanilang mga magulang. Kainis! Umiinit lang dugo ko sa mga anak nila! Tsk, tsk
My YOF Family
Punta naman tayo sa masayang parte ng aking istorya. Pagkatapos kumain ng tanghalian nagulat na lamang kami ng biglang huliin ni manong MMDA ng Bulacan ang aming drayber. Naawa kami sa aming drayber kaya sinundan namin si manong MMDA ng Bulacan sa pulis estasyon na nasa Bulacan (duh... *lol). Doon ay naghintay kami hanggang lumamig ang ulo ni manong MMDA ng Bulacan. Nilambing namin sila manong MMDA at nakipakwentuhan pa! Makalipas ang isang oras, nagpasya si manong MMDA ng Bulacan na ibigay na lang ang lisensya ni manong drayber namin. Ayun nagpicture-picturan kami. Nakakatuwa ang ekspiriensya (*experience. lol).
Sa tapat ng estasyon nila manong MMDA na taga Bulacan.
13 Comments:
aww..(nakakaiyak ung letter)
dapat narealize yan ng mga anak na nang iwan sa parents nila eh..
hai... everytym naalala ko ung pag iyak nila lolo and lola sa emmaus nalulungkot ako.. i'm glad na kahit onting tym nabigyan natin sila ng onting joy and hope na marami pang nagmamahal sa kanila....
maganda ang inyong layunin, sa katauhan ninyo maiparanas sa mga magulang na ito na may nagmamalasakit pa sa kanila kahit hindi nila kadugo.
may kamuka si calderon, san kaya sya pinaglihi.. ahahaha=)
well written poem....nakakaiyak naman ,blessed parin yung mga parents na dinalaw nyo dahil kahit pinabayaan na ng mga nanak nila eh nandyan naman kayo para sa kanila d ba?
uy japorms naman ni paul :0) patawa naman si manong MMDA,naki picture pa !buti nalang magaling kayong mambola .... (peace)...
naiyak ako...
una: pag naalala ko ung mga matatanda.. (di ko napakinggan ung mga stories nla kc bka di ko kyanin...d p ko mka2log sa awa...hihih)
pangalawa: anlupet ng mga tagalog mo paul (sna naedit m ung mga typo error para tunay..ahihihi)
pangatlo: ok n sna ung transition ng story--sby pnasok m ung nahuli ng MMDA(hahah kakaiyak sa ines)
btw, MMDA is metro mla. dev. authority ayt? bat mron sa bulacan?hahah
pang-apat: lupet ng joke m ynah, letter "M" b?=D
panglima: mukang babalik tau don (suggestion ni sbi ni sir orly) at nkapgpromise ang iba...huhuh
at
pang-anim: nakakamiss...sna maulit(^_^,)
oh.. shet.. i remember the fight that my mom and i had this morning. tae.. umiiyak nnman tuloy ako!
ang galing ng letter, sana nga lahat ng mga anak eh maalala or magawa mga yun... Ewan ko nga bakit may mga tao natitiis sarili nilang magulang, hmmm dahil na rin siguro sa kahirapan kaya iniiwan sila or dahil sa makasarili lang talaga.
saya ng mga picture paul ahh, parang star struck :)
yup, kahit nung highschool pa me meron din sa likod ng school namin na bahay ng matatanda, (kasi nasa tabi ng church ang school namin, heheh banal ba?) I can't imagine pano natitiis ng mga anak nila ang magulang. kya simula nun nag-aral me sa manila, mga matatanda lng sa kalye ang binibigyan ko ng pero or food kesa sa mga paslit. sabi ko pa para naman kahit umabot me sa ganung sitwasyon eh mayron tumulong sakin na tao. kung tumanda man me sa kalye.
what a touching letter...20 years down the road, ako na yung sumusulat, hindi nagbabasa...
happy easter!
Touching... keep up the good deed. Alam mo medyo mahirap talaga mag alaga ng matanda. Na-alala ko yug lola ko before she passed away.
Naku. Ang galing nyo at nabola nyo yung police. hehe biro lng.
hehe. naghirap ako sa pagbasa... hehe. i suck. but i got some points and they're really wonderful. thanks for sharing!
akala koh graduate ka na... d pa pla, na-excite pa naman ako... i've been visiting your blog regularly, pero ngayon lang koh nag post ng comment. kaya kahit papano, may alam pa rin ako sayo... post naman ur number...
wha.. na wa poise ako dun,. wala lang naisipan kong dalawin ung gblog mo. tapos iyo, maiyak ako. ang pangit nasa open lab ako.. hahaha.. grabe, parang sumakit puso ko. anyways, kahit ako parang di ko matanggap na may mga anak na ganun. its like na wala silang utang na loob. hay, naiinis din ako.. parang ang saya sumama sa mga activities nyo ung mga ganyan.. one time sama naman ako. hehehe..
Post a Comment
<< Home