Gospel of Judas
Ngayon lang ako magsusulat sa aking blog na tagalog. Natuwa kasi ako sa isang blog na aking nabasa na hindi naman pala masama na ang lenguahe na iyong gagamitin ay Filipino. Ganunpaman, magkukwento pa rin ako patungkol sa “Gospel of Judas”.
Nasa bahay ako ng aking kaibigan kahapon at syempre hindi naming maiiwasan mapagusapan ang patungkol sa Holy week. Bagamat lahat kami ay born again Christian ay nirerespeto namin ang paniniwala ng mga katoliko. Nagusap usap kami hanggang magpagusapan naming ang patungkol sa Gospel of Judas. Marahil ay nadinig nyo na ang patungkol dito. Una ko syang narinig sa aking kaklase hanggang sa mapanood ko sya sa National Geographic Channel. Para sa mga walang ideya kung ano ang nilalaman ng Gospel of Judas, ganito lang kasimple yun. Ang pinaka nilalaman nito ay nagsasabi na hindi kagustuhan ni Judas na ipagkalulo si Jesus. Ang ibig sabihin ay inutos ni Jesus kay Judas na kailangan mo akong ipagkalulo upang matupad ang propesiya. Hindi ba nakakatawa? Kung napanood ninyo ito sa National Geographic Channel ay pati kayo ay matatawa sa ‘reenactment’ na ginawa nila. Sinabi ni Jesus na bibigyan nya si Judas ng gantimpala na wala pang anghel ang nakakakita. At ang katapusan nito ay ginawa nga ni Judas na ipagkanulo si Jesus kahit labag ito sa kanyang kalooban.
Sa panahon pa lang ni Jesus meron na talagang mga tao na ‘against’ sa kanya. Kaya hindi maiiwasan na meron at meroong mga kasulatan na matatagpuan. Para sa akin isa lamang itong kalokohan. Alam ko ang aking paniniwala at kailanman ay hindi ito mababali.
Pahabol, hindi lamang itong Holy week dapat nating i-appreciate ang ginawa ni Jesus. Dapat araw araw tayong magpasalamat sa kanyang ginawa. (That was hard. *lol)
2 Comments:
Hello.. jUST BOUNCIN BACK.. tHAnks for droppin by my site kuya.. [If im allowed to call you that..].. lol.. :-)Opo! Di po masamang gumamit ng Tagalog terms... Lalo na pag wala ka na sa isip magsulat ng Ingles.... Okanga weder weder lang yan. Kelangan pa kasing iedit. I mean, kinokorek mo pa yung grammar. Lalo na ngayon, napansin ko na mali pala yung spelling ng ALLIBIES ko- err- ALIBIES sa new entry ko. lol. Yeah right, I heard na daming against tungkol dun sa Gospel of Judas. Wala po yung katotohanan.. Actually, di ko pa nabasa yun thanks po sa insight... :-)
Nice entries...! Nice blog.. Keep it up!
good for you... ako nga eh ayoko rin maniwala... and ispeking of tagalog... di ka nag- iisa. im prawd of you man....
Post a Comment
<< Home